Manila, Philippines – Itinakda na sa Agosto 7 ng Kamara ang deliberasyon para sa charter change o cha-cha.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Leyte Representative Vicente “Ching” Veloso, layon ng deliberasyon na makabuo ng framework para sa presidential federal government.
Sabi ni Veloso na sa ngayon ang kanilang tinutukan ay ang draft na binuo at isinumite ng consultative committee o con-com.
Pero may mga probisyon aniya rito na kailangan pa nilang baguhin at isaayos gaya ng term limit at anti-political dynasty.
Facebook Comments