Charter Change, hindi natalakay sa pulong nina Senate President Chiz Escudero at Speaker Martin Romualdez

Hindi kasama ang Charter Change (Cha-Cha) sa tinalakay sa ginanap na pulong sa pagitan nina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Sa tingin ni Escudero, malabong makalusot ang Cha-Cha sa ngayon.

Sinabi pa ng senador na paraan din ito para hindi masayang ang pagod at maiwasan ang pagka-veto ng mga panukalang batas na malabo naman palang maisabatas sa huli.


Aniya, inilatag lamang sa ginanap na pulong ang mga ipa-prayoridad na mga panukalang batas para sa gaganaping Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa June 25.

Tinalakay din aniya nila ang mga procedures o mga proseso para sa mga ipapasang priority measures ng pamahalaan lalo’t may mga executive officials na dumalo tulad nina Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza at mga tauhan ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.

Facebook Comments