Manila Philippines – Pinayuhan ni dating Senador Nene Pimentel ang Kamara na makipagtulungan sa Senado kaugnay sa pagsusulong ng Charter Change.
Sa interview ng RMN kay tatay Nene na isang eksperto sa Saligang Batas at nagsusulong sa Pederalismo, sinabi niya na kahit makakuha ang Kamara ng three-fourths na boto para sa pag-amiyenda sa Saligang Batas, hindi pa rin ito lulusot dahil kailangan pa rin ng joint session.
Sinabi ng dating senador, maaari namang magkaroon ng join session ang Senado at Kamara para mapag-usapan ang mga kailangang amyendahan, pero hindi siya pabor sa joint voting.
Una na kasing sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy ang kanilang deliberasyon kahit nagbanta ng ilang senador na i-boycott sila.
Facebook Comments