
Inihain ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. ang Resolution of Both Houses o RBH No. 1 na nagsusulong ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Katulad ng panukalang charter change sa 18th at 19th Congress ay nakapaloob din sa RBH 1 ni Garbin ang pag-amyenda sa mga probisyon ng Saligang Batas na may kaugnayan sa ekonomiya, edukasyon, syensya, teknolohiya, arts, culture, at sports.
Pero sa RBH 1 ni Garbin ay kasamang itinutulak ang pag-amyenda sa Article I o “National Territory” ng saligang batas upang matiyak na umaayon ito sa United Nations Conventions on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nais din ni Garbin na igiit sa konstitusyon ang ating napanalunang Arbitral Ruling noong 2016 ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Facebook Comments








