Tinawag na fake news ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang ulat na ipinagpapatuloy ng ahensya ang paglilikom ng dalawang milyong pirma para mapabilis ang pag-apruba sa constitutional amendments sa kabila ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Año, hindi dapat bigyang atensyon ng publiko ang bagay na ito.
Hindi rin aniya gumagawa ng paglilikom ang ahensya sa gitna ng emergency health crisis dahil nakatuon sila sa kinakaharap ng bansa.
Una nang sinabi umano ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang memorandum na ipi-presenta ang mga nakolektang pirma sa Kongreso para ipakita ang suportang nakuha ng ahesya para sa constitutional reform.
Habang sinabihan naman nina Senador Franklin Drilon at Francis Pangilinan ang DILG na isantabi ang hakbang at pagtuunan na lang ng pansin ang COVID-19 related measures.