Charter Change para maibaba ang minimum age requirement para sa presidente, bise presidente at mga senador, isinulong sa Kamara

Inihain sa Kamara ang resolution of Both Houses no. 2 na nagsusulong na magkaroon ng constitutional convention o con-con para maamyendahan ang Saligang Batas.
 
Layon nito na maibaba sa 35 years old ang minimum age requirement para sa presidente; 30 years old naman para sa bise presidente at senador.
 
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang kasalukuyang minimum age qualification ay 40 years old sa presidente at bise presidente habang 35 years old naman para sa senador.
 
Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Representatives Paolo Ortega, Jefferson Khonghun, Ernesto Dionisio, Zia Adiong, Rodge Gutierrez, Lordan Suan at Eduardo Rama.
 
Binigyang-diin din sa resolusyon na panahon na upang marinig ang tinig ng bagong henerasyon dahil ang pamumuno sa bansa ay hindi tungkol sa edad kundi sa kakayahan, malasakit at kagustuhan na magsilbi.

Facebook Comments