CHARTER CHANGE | Senate President Koko Pimentel, planong makipagpulong kay House Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Planong makipagpulong ni Senate President Koko Pimentel kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito ay para talakayin ang Charter Change (Cha-Cha).

Ayon kay Pimentel, kapag nagtugma ang schedule nila ni Alvarez ay pag-uusapan nila ito lalo’t kapakanan aniya ng bansa ang dapat nilang ipagpauna.


Aminado si Pimentel na kulang ang isang araw para pag-usapan ang Cha-Cha.

Isasama ni Pimentel sa naturang pagpupulong si Senate Majority Leader Tito Sotto at ang lahat ng senador na nais pang sumali.

Facebook Comments