Manila, Philippines – Bukas ang Mababang Kapulungan sa magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa magiging galaw ng Kongreso sa Charter Change.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, rerespetuhin nila ang anumang desisyon na gagawin ng Supreme Court ngayong nagbabanggaan ang Senado at Kamara sa paraan ng botohan kung joint o separate vote ba ang susundin para sa Federalism.
Giit ni Alvarez, sa oras na magsalita ang Korte Suprema ay ito ang kanilang susundin.
Hindi pa rin aniya magbabago ang posisyon ng Kamara sa posisyon sa Cha-Cha dahil maraming problema ang bansa gaya ng kahirapan, katiwalian, droga at insurhensiya.
Nanindigan din si Alvarez na hindi sila magpepreno sa Cha-Cha sa kabila ng mga payo ng mga eksperto na magdahan-dahan ang kapulungan sa pagrerebisa ng saligang batas.
Katwiran pa nito, sawang-sawa na ang taumbayan sa kakahinay-hinay sa mga hakbang ng gobyerno.