CHARTER CHANGE | Timetable para sa pagtalakay sa Cha-cha, hindi pa inilalatag ng Kamara

Manila, Philippines – Hindi pa nagtatakda ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng timetable para sa pagtalakay sa Charter Change.

Bukas ay pupunta sa Kamara sina dating Chief Justice Reynato Puno at House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara para pag-usapan ang tungkol sa isinusulong na BBLFederalism ng Duterte administration.

Pero, hindi pa tiyak kung kailan ang talakayan dito ng Kongreso.


Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, masyadong pang maaga para magtakda ng timetable para sa nasabing usapin.

Sa katunayan ay hindi pa nga natatanggap ng Kamara ang kopya ng draft federal charter na nabuo ng 13-man panel Consultative Committee ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa oras na matanggap na ng Kamara ang draft ay saka paguusapan ang pagsisimula ng pagtalakay ng Kongreso sa Cha-cha.

Facebook Comments