Charter ng DILG, maaring amyendahan sa halip na magtatag ng Department of Disaster Management

Naniniwala si Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na sa halip magtatag ng isang bagong ahensya para sa tumutok sa mga kalamidad ay maaring amyendahan na lang ang Charter ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ito ay para maisama sa mandato ng DILG ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Ayon kay Ordanes, sa ganitong paraan ay magiging responsibilidad ng kalihim ng DILG ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan at lahat ng tanggapan sa DILG ay maaring bigyan ng espesipikong trabaho na may kaugnayan sa DRRM.


Ito ang nakikitang mas mabilis na solusyon ni Ordanes para sa pangangailangan na magkaroon ng department-level agency na responsable sa DRRM.

Paliwanag ni Ordanes, masyadong magastos ang paglikha ng bagong departamento kumpara sa paglikha ng isang line bureau sa loob ng DILG na nakatutok sa pagtugon at pagbangon mula sa kalamidad.

Facebook Comments