Chartered flight mula sa China, isa sa dahilan ng pagbangon muli ng industriya ng turismo sa bansa – DOT

Aminado ang Department of Tourism (DOT) na patuloy na babangon ang industriya ng turismo ng bansa, sa pagbabalik ng mga chartered flight mula sa nangungunang bansa ng China.

Matatandaan kasi noong Abril 18, nakatanggap ang Boracay Island ng kabuuang 180 Chinese na turista sakay ng isang chartered flight na OK Airlines flight mula Changsha, China patungong Kalibo, Aklan.

Ayon sa ahensiya, ito ay nagpapakita lamang ng katotohanan na ang Boracay ay nananatiling tanyag na destinasyon para sa mga turistang Tsino, kasama ang lokal na pamahalaan at ang napakaaktibong pribadong stakeholder, agresibong tinutuloy ng DOT ang promosyon.


Samantala, base pa rin sa datos ng DOT ang mga turistang Tsino ang numero unong dayuhang bisita sa Boracay na humigit-kumulang 434,175 noong 2019 bago pa man nagkaroon ng COVID-19.

Nakatanggap din ang Pilipinas ng kabuuang mahigit 1.7 milyong bisita mula sa China sa pagtatapos ng parehong taon.

Facebook Comments