Chaser: World’s smartest dog, pumanaw na sa edad na 15

via essentiallydogs.com

Pumanaw na ang itinuturing na world’s smartest dog na si Chaser, sa edad na 15.

Si Chaser, isang border collie, ay kayang umintindi ng higit 1,000 na salita dahil sa kaniyang amo na si John Pilley na retired psychiatrist.

Sa loob ng tatlong taon ay tinuturuan ni John si Chaser ng apat hanggang limang oras kada araw.


Pinapakitaan niya ito ng isang bagay na babanggitin ng 40 na beses. Itatago niya ang bagay at uutusan ang aso na hanapin ito.

Gumamit si John ng 800 na animal toys, 116 balls, 26 na frisbee at iba pang plastic na bagay na umabot ng 1,022 na nasaulado ni Chaser.

Itinuring ng anak ni John na si Bianchi na kakaiba at kahanga-hanga ang talento ni Chaser.

Kasama rin si Bianchi sa pag-ensayo ng ama kay Chaser na matuto at makaintindi ng mga salita.

Ayon sa natitirang nag-aalaga sa kaniya na sina Sally Pilley at anak nitong si Robin, namatay si Chaser dahil sa huminang kalusugan nito at katandaan sa Spartanburg, South Carolina.

Pumanaw naman si John nitong nakaraang taon sa edad na 89.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments