Mapa-estudyante ka man o isang simpleng empleyado, hindi maiiwasang maging problema ang pagiging makalilimutin sa mga gawain o trabahong nakaatas sa atin. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalaga ang pagiging organisado lalong-lalo na pagdating sa oras dahil makatutulong ito na magawa at matapos natin sa tamang oras at araw ang iba’t ibang mga gawain natin sa araw-araw.
Tiyak na makatutulong sa atin ang mga “daily planner” na nagsisilbing personal organizer natin mapa-day, week, month o bullet journal man ito. Dahil sa mga daily planner, magkakaroon tayo ng maayos na time management at mas magiging organisado tayo. Nagkalat na ang mga planner ngayon ngunit madalas ay mataas ang presyo nito at hindi natin kayang bilhin. Heto ang listahan ng mga cheap 2019 planners na maaari nating mabili under 500 pesos:
1. 2019 National Bookstore Planner
Pinag-uusapan ngayon ang NBS 2019 Planner na mabibili mo sa halagang ₱299.00 lang. Cute at elegante ang disenyo nito mula cover page hanggang sa mga iba’t ibang disenyo ng bawat pages nito. May mga inspirational quotation din na mababasa sa loob na tiyak na makatutulong sakaling nababahala at may problema ka. Dotted din ang style ng pages nito katulad ng karamihang disenyo ng mga planner at may iba’t ibang kategorya na pwede mong sagutan at sulatan.
2. 2019 Belle de Jour Petit Planner
Kung namamahalan ka sa Belle de Jour Power Planner, heto ang 2019 Belle de Jour Petit Planner kung saan mabibili mo lang sa halagang ₱280.00. Mayroon itong monthly at weekly calendar lay-outs kung saan maaari mong isulat ang mga kaganapan, pangyayari o paparating na mga gawain mo. Mini version ito ng BDJ power planner kaya mas handy at mas okay dalhin sa mga travel. May special pages ito at notes pages na nagsisilbing personal space mo na sulatan.
3. 2019 Essentials Planner
Kung ang nais mong planner ay simple ngunit elegante, ito ang planner na bagay sa’yo. Sa halagang ₱380.00 ay may dotted weekly pages at 13-monthly calendar ka na. Bagay rin ito sa mga mahilig mag bullet journal dahil sa dotted notes ang style ng bawat pages.
4. 2019 Focus Journal
Tulad ng planner, pupwede ka ring magsulat ng mga plano sa journal o mag bullet journal. Mabibili mo ang 2019 Focus Journal sa halagang ₱498.00. Matte ang disenyo ng cover nito at laminated pa. Mayroon ding 13-monthly calendar at weekly pages na grid ang disenyo upang maging personal space mo.
5. Papelmeroti Pocket Planners 2019
Para naman sa mga super nagtitipid ngunit nais maging organisado, ito ang nababagay na planner para sa’yo. Mabibili mo ang Papelmeroti Pocket Planners sa halagang ₱20.00 lang. Oo, tama ka nang bansa, bente pesos lang ang super cute na planner na ‘to. May iba’t ibang disenyo pa ito na pwede mong piliin at ang pinakakinaganda nito ay eco-friendly ito at gawa sa 100% recycled paper. May mga inspirational quotation din ito kada pages.
Ano pang hinihintay mo? Bili na ng mga planner para maging organisado ang mga plano mo sa buhay.
Article written by Mickaella Pelobello
Facebook Comments