CHECK-UP | Hiling na medical furlough ni Senadora Leila de Lima, pinayagan

Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hiling na medical furlough ni Senadora Leila de Lima.

Nabatid na nitong February 22 nang magsumite si De Lima ng motion para mabigyan ng araw para magpa-checkup matapos irekomenda ng kanyang doktor na sumailalim siya sa CT scan dahil nakitaan siya ng mass sa kanyang atay.

Batay sa desisyon ni RTC branch 206 Judge Amelia Fabros Corpuz, bibigyan lamang si De Lima na isang araw na furlough pero walang itinakdang eksaktong petsa.


Sagot ni De Lima ang lahat ng gagastusin sa kanyang check-up.

Inatasan na ang CIDG-NCR para higpitan ang seguridad ng senadora habang ihahatid sa Philippine Heart Center at pabalik ng PNP Custodial Center sa Kampo Krame.

Facebook Comments