Nakalatag na ang mga checkpoint at chokepoints sa Central Luzon bilang bahagi ng ipatutupad na seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bukas.
Sa impormasyon ni Police Regional Office (PRO) Central Luzon Regional Director BGen.Jose Hidalgo Jr. sa Kampo Krame, sinabi nitong pinaigting din nila ang anti-criminality at focused police operations upang matiyak na walang kriminal at mga masasamang grupo na mananamantala ng okasyon.
Samantala, naka-stand by ngayon ang nasa 875 PNP personnel mula sa provincial at city police offices sa Central Luzon na nakahandang i-deploy kung kinakailangan.
Nauna nang ipinadala ng PRO 3 sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 412 na mga pulis nito para sa Civil Disturbance Management Operation.