Checkpoint, mahigpit na ipinatutupad ngayon sa Intramuros, Maynila kaugnay ng pagbubukas ng Binondo-Intramuros bridge

Mahigpit na checkpoint ang pinaiiral ngayon sa Intramuros, Maynila kaugnay ng gagawing pagpapasinaya bukas, April 4,2022, ng Binondo-Intramuros bridge.

Sarado rin sa daloy ng trapiko ang kalsada sa bahagi ng A. Soriano Avenue sa Intramuros.

Pangungunahan kasi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa nasabing tulay.


Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado, sa pamamagitan ng bubuksang tulay, mabilis nang makararating sa Binondo at Intramuros ang mga motorista , mapapaganda rin nito ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Mahigit tatlumpung libong motorista ang inaasahan dadaan sa nasabing tulay na may 680-metrong haba at apat na linyang lapad.

Mag-uugnay ito sa Intramuros, Solana Street hanggang sa Riverside Drive at sa Binondo, Rentas Street patungong Muelle dela Industria.

Mayroon din itong bike lanes para sa mga indibidwal na gumagamit ng alternatibong transportasyon

Facebook Comments