CHECKPOINT OPERATION | 27 miyembro ng MILF, naaresto sa Maguindanao

Maguindanao – Naaresto sa checkpoint operation ng militar at pulisya ang 27 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Barangay Papakan, Sultan Barongis Maguindanao.

Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos ang mga naarestong miyembro ng MILF ay mga tauhan ni Commander Orly Gampong ng 106th Bangsamoro Islamic Armed Forces.

Naaresto ang mga ito habang sakay ng kulay dilaw ng elf truck na walang plate number na naharang sa checkpoint operation ng militar at pulisya sa Barangay Papakan, Sultan Barongis, Maguindanao.


Nakuha sa mga naaresto ang 17 units ng M16, limang units ng M14 at isang unit ng Caliber 30.

Sa ngayon nasa kustodiya ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga naarestong MILF members at mahaharap sa kaso.
Tiniyak naman ni PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt. Graciano Mijares na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments