Dinagdagan pa ng PNP-Cebu City ang kanilang mga checkpoint kasunod ng umiiral na hard lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases doon.
Ayon kay Cebu City Police Officer-In-Charge (OIC) Police Colonel Cydric Tamayo, nagpadala na ng 100 na dagdag na mga pulis ang Region 6 at 8 para tumulong na magbantay sa buong Cebu City.
Paalala naman ni Tamayo, tanging Authorized Persons Outside Residence (APOR) at essential workers lamang ang pinapayagang makalabas ng kanilang mga bahay.
Facebook Comments