CHECKPOINT SA MANGALDAN, PINAIGTING KASUNOD NG MGA ULAT SA NAKAWAN NG MGA SASAKYAN

Pinaigting ng Mangaldan Municipal Police Station ang inspeksyon at paninita sa mga kalsada kasunod ng mga ulat ng nakawan ng sasakyan sa bayan.

Ayon sa pulisya, layunin ng mga operasyon na matiyak na lehitimong pag-aari ng mga nagmamaneho ang kanilang mga motorsiklo at iba pang sasakyan at hindi ito ginagamit sa anumang ilegal na aktibidad.

Bahagi rin ito ng mga hakbang upang maiwasan ang pagnanakaw ng sasakyan at iba pang kaugnay na krimen.

Mahigpit na pinaalalahanan ng pulisya ang mga motorista na laging dalhin ang kaukulang dokumento tulad ng OR/CR at lisensya sa pagmamaneho, at sumunod sa mga umiiral na batas-trapiko.

Inatasan din ang mga rider na magsuot ng angkop na protective gear gaya ng helmet upang maiwasan ang malubhang pinsala sakaling magkaroon ng aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments