Kung nakaraang mga araw ay nagkaroon ng kalituhan ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) makaraang hindi papasukin ang media na magkokober sana sa Marikina City, ngayon iba na ang sitwasyon.
Maluwag nang nakapapasok ang media basta’t ipakita lamang ang kanilang mga company ID ay pinapayagan ng makapasok sa loob ng Marikina City.
Matatandaan na noong nakaraang araw ay nagtatanong ang isang radio reporter kung hindi ba na-informed ang Marikina Police na exempted ang media sa ipinatutupad ECQ, basta’t makapag-presenta lamang ng Media ID at makakuha ng permit sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa loob ng 72 hours.
Ayon kay P/Col. Angel Arcanghel hindi, naman daw pinagbabawalan ang media na pumasok ng Marikina, basta ang kailangan umano ay magpakita lamang ng press ID.
Paliwanag ng opisyal, nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine pero sa ngayon, aniya, ay malaya ng makapapasok ang media upang magkober kauganay sa isyu ng COVID-19.