Checkpoint sa may Magallanes, Makati City, mas hinigpitan ang pagpapatupad dahilan ng bahagyang pag pila ng mga sasakayan

Lahat hinaharang ng mga nagbabantay sa checkpoint sa may Magallanes, Makati City ang mga dumadaang sasakayan na papuntang south area.

Kaya naman bahagyang nagkakaroon ng pila ng sasakayan ang sounth bound area.

Mahigpit na sinusunod ng mga pulis ang ipinatutupad na alintuntunin sa mga checkpiont, gaya ng pagkuha ng body temperature, ID at work certificate upang malaman kung kasali sila sa exemption.


Pinaalalahanan naman ng mga pulis ang mga dumaraan kaugnay sa social distancing.

Ayon sa nakalatalagang Police officer sa nasabing checkpoint, kung dati ay tinatanggap nila ang mga excuses ng mga motorista, ngayon anya ang bawal ay bawal, ibigsabihin hindi makatawid sa checkpoint kung di naman kasama sa travel exemption.

Kung naka motorcycle dapat isa lang ang sakay nito.

Kompleto naman sa gamit ang nasabing checkpoint, tulad ng alcohol, face mask at infrared thermal scanner.

Samantala, may isang citizen naman na may mabuting kalooban, na nagbigay ng 4 boxes ng Bottled water para sa mga pulis na nagbabatanay sa nasabing checkpoint.

Facebook Comments