Tuloy pa rin ang gagawing checkpoints at curfew bilang bahagi ng ‘new normal’ na bahagi ng mga plano ng pamahalaan para hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang sinabi ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar.
Aniya, hangga’t walang vaccine para sa sakit na COVID-19 ay mataas pa rin ang banta nito kaya kahit alisin na ang mga community quarantine restrictions, dapat ay mahigpit pa ring maipatupad ang ilang patakaran.
Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing at pagbabawal sa mga hindi importanteng biyahe.
Giit ni Eleazar, ang mga patakarang ito ay hindi pagsupil sa karapatan ng sinuman, sa halip pinoprotektahan lamang ang lahat laban sa COVID-19.