Iniutos na ni Police Regional Office 3 Director B/Gen. Rhodel Sermonia sa lahat ng police commanders sa Central Luzon na paigtingin ang mga isinasagawang checkpoints at oplan sita.
Ito’y dahil na rin sa papalapit na SEA Games 2019.
Ayon kay Sermonia, upang masiguro ang seguridad at kapayapaan ng malaking event sa bansa kinakailangang palakasin ang kanilang manhunt operations sa mga pugante na may standing warrant of arrest maging ang paghahain ng search warrants sa mga indibidwal na nagtatago ng mga iligal at nakamamatay na armas.
Bukod sa checkpoints at oplan sita, inasatan din ni Sermonia ang mga police commander na makipag ugnayan sa mga local government unit para sa mobilization ng force multipliers at barangay peacekeepers na magsisilbing dag-dag pwersa.
Batay sa ibinabang Memorandum ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa nitong nakaraang linggo, iiral ang gun ban sa NCR, Region 3, Region 4-A at maging sa buong lalawigan ng La Union.
Ang 25 araw na gun ban ay epektibong ipinatupad kahapon November 20 at tatagal hanggang December 14, 2019.