CHECKPOINTS KONTRA ASF SA LUNA, LA UNION, INILATAG

Nakalatag sa ilang barangay ng La Union ang checkpoint ng Municipal Task Force upang ipatupad ang pinaigting na pagbabantay kontra African Swine Fever.
Layunin nitong makontrol ang pagpasok ng mga baboy at iba pang hayop sa mga barangay upang maprotektahan ang industriya ng pagbababoy sa bayan.
Ipinakalat sa mga barangay ng Napaset, Oaqui 4, Nagrebcan at Cantoria 3 ang mga checkpoint katuwang ang mga barangay council at ASF task force.
Kabilang ang bayan sa lubhang napuruhan ng sakit noong nakaraang taon.
Mahigpit din ang koordinasyon ng awtoridad sa Department Of Agriculture upang matutukan ang industriya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments