Checkpoints sa mga border papasok ng Metro Manila, mananatili kahit nasa GCQ  na ang NCR ayon sa PNP

Tuloy pa rin ang mga checkpoints sa mga border na papasok sa Metro Manila kahit na isasailalim na  sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong National Capital Region (NCR) simula sa June 1.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Police Major General Emmanuel Licup, kailangang manatili ang mga border checkpoints para matukoy ng mga pulis kung sumusunod ang mga pasahero at mga sasakyan sa mga health protocols gaya ng social distancing.

Habang ipinauubaya naman ng PNP sa mga Police Commanders sa ground kung aalisin na ang mga checkpoints sa loob ng NCR.


Madadagdagan din ang mga lugar na babantayan ng mga pulis sa susunod na linggo dahil sa unti-unting pagbubukas ng mga industriya.

Kasama na sa kanilang babantayan ay ang mga commercial area at mga malls.

Ayon naman kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, nakatulong ng malaki sa pagbaba ng krimen sa buong Metro Manila ang inilatag na mga checkpoints sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments