Checkpoints sa Muntinlupa, hindi pa mahigpit sa mga motorista; Mga pedestrian na walang face shield, sinita

Nagsimula nang mag-deploy ang Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ng magbabantay sa boundary ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna.

Ito’y bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong National Capital Region (NCR) sa August 6.

Bagama’t wala pang paghihigpit sa mga motorista sa mga border sa lungsod ay ipinatutupad na nila ang pagsusuot ng face shield sa mga taong naglalakad sa pampublikong lugar papasok sa lungsod ng Muntinlupa.


Kasama na rin sa naka-deploy ang Highway Patrol Group (HPG)-Calabarzon upang tumulong sa pagmimintina sa daloy ng trapiko.

Sa Biyernes, magsisimula na silang maghigpit sa partikular sa mga hindi Authorized Person Outside Residence (APOR) upang matiyak na ligtas ang publiko laban sa banta ng Delta variant.

Facebook Comments