Checkpoints sa NCR, aalisin na sa ilalim ng Alert Level 4

Aalisin na ang mga itatayong mga checkpoint sa National Capital Region simula ngayong araw kasabay ng pagsailalim ng Metro Manila sa Alert Level 4.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar, imbes na sa mga checkpoint ay tututukan na lamang ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

Maituturing namang hindi na bago para sa PNP ang pagpapatupad ng granular lockdowns dahil may 50 lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive measure.


Sa ilalim ng Alert Level 4 — nakitaan ng pagtaas ang hawaan ng virus, habang ang total beds at ICU beds ay may mataas na utilization rate.

Sa ilalim din ng naturang alerto, hindi papayagang makalabas ang mga may edad 18-taong gulang pababa at 65-taon gulang pataas, may mga immunodeficiencies, comorbidities, o iba pang health risks, at mga buntis, bagama’t papayagan na makabili ng essential goods at services, o magtrabaho sa permitted industries at offices.

Facebook Comments