CHED, aminadong 20% pa ng mga pamantasan ang handa sa online learning

Nasa 20% pa lamang ng mga pamantasan sa bansa ang handa sa paggamit ng online learning.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, sa ngayon ay nagdodoble sikap sila na maasistihan ang mga Higher Education Institutions sa gagawing adjustment sa sandaling kinakailangang mag adopt ng na learning management system.

Malaking hamon aniya rito ang susunod na tatlong buwan lalo na’t mayroong mga pamantasan na mahihinang connectivity sa internet.


Aniya, may ilang HEIs na ang may karanasan sa online learning dahil sinubukan na nila itong ipatupad habang may Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa ngayon ay nasa kasagsagan na sila ng pagbibigay ng training sa mga guro at pag-set up ng connectivity sakaling ipasiya nilang gamitin ang online learning.

Facebook Comments