CHED, babaguhin ang memorandum order kaugnay sa mga kaso ng hazing

Manila, Philippines – Rerepasuhin ng Commission on Higher Education ang memorandum order na inilabas noong 1995 para higit na matugunan ang mga kaso ng hazing at karahasan sa mga estudyante.

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan makikipag-uganayan sila sa legal education board para gawing higit na pro-active ang regulasyon at maiwasan na ang hazing sa mga fraternities.

Kasabay nito, kinondena rin ni Licuanan ang pagkamatay ng 22 yrs. old freshman law student na si Horacio Tomas Castillo III.


Sinabi naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri – dapat na maging polisiya ng CHED ang hindi pagkukunsinte sa karahasan.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng report sa CHED ang University of sto. Tomas hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments