CHED, hinikayat ang mga guro na magparehistro kung gustong magpabakuna ng anti-COVID-19

Naglabas ng Memorandum ang Commission on Higher Education (CHED) na humihikayat sa mga private at public teachers at non-teaching position na magparehistro kung gustong magpabakuna ng anti-COVID-19.

Kaugnay na rin ito sa unti-unting pagbubukas ng klase sa mga state, universities and colleges.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na boluntaryo lamang ang registration at hindi pipilitin ang mga guro na magpabakuna.


Hiningi na rin ng komisyon sa Department of Health (DOH) na isama ang mga teaching at non-teaching personnel sa mga babakunahan upang unti-unting mabuksan ang mga eskwelahan.

Una nang pinayagan ng CHED na magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa mga medical courses upang makatuwang ng pamahalaan sa paglaban kontra COVID-19.

Facebook Comments