CHED, iminungkahing iurong sa Enero 2021 ang laboratory classes at internship

Kakausapin ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga kolehiyo at unibersidad na ipagpaliban ang second semester courses na nangangailangan ng person-to-person interaction.

Sa public briefing, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera III na ang laboratory courses at internships ay maaari na lamang gawin sa susunod na taon.

Aniya, magkakaroon lamang ng regular lectures sa unang semester.


Dagdag pa ni De Vera, nanganganib na magsara ang ilang kolehiyo dahil sa kawalan ng nag-eenroll.

Maraming magulang pa rin ang nangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng pandemya.

Sa ngayon, may ilang kolehiyo at unibersidad ang naghihintay ng gabay mula sa CHED lalo na at may ilang lugar na walang access sa internet.

Facebook Comments