Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang State Universities at Colleges (SUCs) o Higher Education Institutions (HEIs) na sumunod sa dalawang guidelines na gabay patungkol sa pagsususpinde ng klase.
Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang pahayag kasunod ng kalituhan sa implementasyon ng Department of Education (DepEd) Order No. 037.
Tinukoy ni De Vera ang Executive Order No. 66 at ang CHED Memorandum Order No. 15 na matagal nang sinusunod ng HEIs.
Sa ilalim ng EO 66, nakapaloob dito ang pamantayan sa pagsususpinde ng klase tuwing may bagyo, mga pagbaha, sama ng panahon o kalamidad.
Habang sa ilalim ng CHED memo 15, awtomatikong suspendido ang klase sa kolehiyo at graduate school tuwing nakataas sa Signal Number 3 ang babala ng bagyo.
Habang nakapaloob naman sa CHED memorandum #15 na kakanselahin ang klase sa kolehiyo at sa graduate school batay sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan.
Giit ni De Vera, hangga’t hindi binabago ang EOs, dapat ipatupad ng HEIs ang naturang guidelines sa pagdedeklara ng walang pasok.