CHED, inatasan ni PBBM na resolbahin ang kakulangan ng nurse sa bansa dahil sa paninirahan na sa abroad

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Commission on Higher Education (CHED) na ayusin ang problema sa kakulangan ng nurse sa bansa dahil sa pagma-migrate o paninirahan na sa abroad.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ginawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) at healthcare sector group sa Malacañang kahapon.

Ayon sa pangulo, naapektuhan ang pagbibigay ng epektibong healthcare sa mga Pilipino dahil sa kakulangan ng nurse sa bansa.


Para sa pangulo ang mga nurse sa bansa ay magagaling na nurse na aniya ay maipagmamalaki, ito ay dahil lahat ng kanyang nakausap na prime minister ay humiling nang mas maraming nurse mula sa Pilipinas para magtrabaho sa kanilang bansa.

Dahil dito ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, gagawan ng paraan na makapasa ang mga board non-passer, ia-adopt ang nursing curriculum na mayroong exit credentials, kausapin ang mga nurse sa bansa na hindi nagpa-practice ng kanilang propesyon, at magsasagawa ng programa kasama ang ibang mga bansa.

Facebook Comments