CHED, ipinatigil ang face-to-face classes ng Isabela Colleges

Pinatitigil na ng Commission on Higher Education ang face-to-face classes ng Isabela Colleges.

Ito’y hangga’t hindi nakapagpalabas ng guidelines ang CHED.

Binigyan ng komisyon ng sampung araw ang Isabela Colleges Inc. na magpaliwanag dahil sa paglabag nito sa ipinatutupad na Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.


Nakumpleto na ng komisyon ang fact-finding report at nag-isyu na ng show cause order laban sa private higher education institution sa Cauayan City Isabela.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, kamakailan lamang, isang estudyante mula sa paaralan ang nagpositibo sa COVID-19.

45 iba pang close contact ng estudyante ang nahanap ng City Health Officials.

Base sa ulat, dumalo sa orientation sa paaralan ang estudyante para sa post-baccalaureate students.

Una nang ipinagbawal ng CHED ang face-to-face classes at mass gatherings sa mga school campuses upang maiwasan ang transmission ng virus pero hindi umano nasunod ng mga school official.

Facebook Comments