Manila, Philippines – Mariing kinondena ng pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagkasawi ng law student ng University of Sto. Tomas (UST) na si Horacio Tomas Castillo III.
Sa pahayag na ipinalabas ng CHED, nagpahayag ito ng pakikiramay sa pamilya ni Castillo.
Kasabay nito, nanawagan ang CHED sa mga pinuno at academic community ng UST na ibigay ang kanilang buong pakikipagtulungan sa otoridad para lumutang ang katotohanan sa isa na namang madugong kaso ng hazing sa kolehiyo.
Dapat na mailantad ang mga circumstances ng pagkamatay ni Castillo at mapanagot ang mga nasa likod nito sa ilalim ng Anti-Hazing law.
Sa ngayon, suspindido ang lahat ng opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa UST habang isinasagawa ang imbestigasyon sa naturang kaso ng hazing.