Kumpiyansa ang Commission on Higher Education (CHED) na sa pagkakataong ito ay papasa na ang mga nursing graduate na dating nabigo sa board exam.
Ito ay dahil pinakamagagaling na mga pamantasan ang magdidisenyo ng review ng mga nursing graduate na sasailalim sa upskilling program na ikinakasa ng pamahalaan.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera na ang top 20 nursing schools ang magtutulungan para sa licensure preparation.
Kabilang dito ang Our Lady of Fatima (OLFU), University of Santo Tomas (UST) at University of the Philippines (UP) Manila na ayon kay De Vera ay 100 percent ang passing rate ng mga estudyante sa Philippine Nursing Licensure Examination.
Ayon pa ka De Vera, karamihan din naman sa mga nursing graduate na ito ay nagtatrabaho na sa mga ospital bilang assistants kaya malawak na rin ang karanasan at kaalaman.
Layunin ng upskilling program ng CHED at Department of Health (DOH) na mapunan ang kakapusan sa mga nurse bansasa harap na rin ng tumataas pang demand sa Filipino nurses sa buong mundo.