CHED, lumapit na sa Kamara para maibalik ang P9 bilyong pondong inalis sa kanila ng DBM sa 2022 budget

Ipinababalik ng Commission on Higher Education (CHED) ang kinaltas na pondo sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2022.

Sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education, nanghingi na ng saklolo si CHED Chairman Prospero de Vera sa Kamara para maibalik ang mahigit P62 bilyon na panukalang pondo ng ahensya sa fiscal year 2022.

Tinapyasan sa P52.603 billion ang pondong inirekomenda ng DBM para sa CHED.


Nais maibalik ni De Vera ang higit sa P9 bilyon na kinaltas sa panukalang pondo ng CHED, dahil ito’y alokasyon para sa capital outlay projects upang maisaayos ang kanilang mga regional office, gayundin para sa Transnational Education Program.

Dagdag ni De Vera, hindi rin binigay ang kailangang pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education kaya apela nito sa Kongreso na tulungan silang maibalik National Expenditure Program (NEP) ang kinaltas na pondo.

Facebook Comments