CHED, magsasagawa ng career fair

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Higher Education (CHED) ng career fair para sa mga senior high school at college graduates na makahanap ng trabaho.

Gaganapin ito sa kanilang CHED Auditorium, C.P. Garcia Avenue, UP Diliman, Quezon City sa susunod na linggo.

Bilang bahagi ng ika-25 taong anibersaryo, iniimbitahan ng CHED ang mga grade 12 at college graduates na pumunta sa career fair sa Martes, May 7.


Ayon sa CHED – may mga potential employers ang mag-a-accommodate sa mga qualified applicants mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Dahil sa limitadong kapasidad ng venue, hinimok ng CHED ang mga interesadong aplikante na makibahagi sa pre-registration process hanggang Lunes, May 6.

Ang mga aplikante ay kailangang magdala ng updated resume at ipaprayoridad ang mga nag pre-registered sa career fair.

Facebook Comments