CHED, magsasagawa ng survey hinggil sa kahandaan ng HEIs bilang COVID-19 vaccine site

Magsasagawa ang Commission on Higher Education (CHED) ng survey para malaman ang kahandaan ng mga Higher Education Institution (HEI) para magsilbing inoculation sites ng COVID-19 vaccination program.

Ayon sa CHED, pinakukumpleto nila ang survey form para malaman ang mga HEIs na handang makipag-partner sa kanilang Local Government Units (LGUs).

Ang inisyatibong ito ay batay sa pag-uusap sa pagitan ng CHED at ng Department of Health (DOH) at pagpupulong sa HEIs hinggil sa vaccination masterlisting na ginanap nitong March 30.


Dahil sa inaasahang pagdating ng karagdagang bakuna sa bansa, hinihikayat ng CHED ang mga HEIs na inisyuhan ng authority na magsagawa ng face-to-face classes na mag-alok ng mga pasilidad bilang vaccination sites.

Ang mga HEIs ay dapat handang ipagamit ang kanilang open-air venue o facilities tulad ng gymnasium, covered court, conference hall para magsilbing vaccination sites.

Dapat ding sumunod ang mga HEIs sa guidelines para sa vaccination centers na inisyu ng CHED at ng DOH.

Hinimok din ng CHED ang mga HEIs na i-alok ang kanilang pasilidad para sa pagpapalawak ng vaccination sa mga senior citizens, essential workers, teacher at government personnel simula sa 2nd quarter ng taon.

Nabatid na higit 30 HEIs ang ikinokonsidera para gamiting COVID-19 vaccination sites.

Facebook Comments