Malugod na tinanggap ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dr. Ronald Adamat bilang Commissioner ng Commission on Higher Education.
Si Adamat ang pangalawang appointee ni Pangulong Duterte para sa posisyon ng CHED Commissioner.
Bago naitalaga sa CHED, humawak si Adamat ng ilang key positions sa gobyerno.
Naging kinatawan siya ng Indigenous Peoples sector sa 10th Congress at naging principal authors ng “Indigenous Peoples Rights Act of 1997” o ang IPRA Law.
Naging commissioner din siya sa National Commission on Indigenous Peoples mula taong 2010 hanggang 2011.
Sinabi ni de Vera, ang malawak na karanasan ni Adamat ay malaki ang mai-aambag sa pagtupad ng CHED sa mandato nito na makapaghatid ng may kalidad at inclusive higher education sa bansa.