CHED, MAY PAGLILINAW SA FACE-TO-FACE CLASSES SA HULYO!

Baguio, Philippines – Sa pinirmahang statement ni Commission on Higher Education Chairman, J. PROSPERO E. DE VERA III, nakasaad ang paglilinaw nya, patungkol sa kanyang naging pahayag sa pagkakaroon ng Face-to-face classes sa darating na Hulyo.

Nakasaad sa kanyang statement letter, mali ang pagka-intindi ng ilang mga mamamahayag sa kanyang sinabi noong nakaraang Lunes sa InterAgency Task Force meeting,–Ang mga MGCQ low risk for Covid-19 areas o mga lokalidad na walang bagong kaso ng Covid-19 sa nakaraang 28-araw at nalalabanan ng mabuti ang sakit lamang ang papayagan nilang magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa darating na Hulyo kung saan una nang pinayagan ng IATF ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kanilang Technical and Vocational Education and Training (TVET) programs.

Kasalukuyan ding kumukonsulta sa Department of Health (DOH) ang CHED para makagawa ng maayos na guidelines para sa posibleng limitadong face-to-face classes sa mga low risk MGCQ areas at kung nabigyan na ito ng konsiderasyon, Ang chairman na mismo ng CHED ang bibisita sa mga Higher Education Institutions (HEIs) para makita ang mga paaralang nakapaghanda ng kanilang paaralan ng mga Health Protocols at guidelines at kung posible ang limitadong face-to-face classes.


Sa huling parte ng kanyang pahayag, nakasaad na inaprubahan ng IATF noong nakaraang Mayo 13, 2020 ang pagbubukas ng klase para sa HEIs, na gagamit ng flexible learning sa Agosto, kaya walang face-to-face classes sa Hulyo.

Facebook Comments