Pumasok na ang Commission on Higher Education (CHED) sa isyu ng University of the Philippines-Department of National Defense (UP-DND) accord.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, inaasahan na niyang magkakaproblema ang kasunduan ng UP at Defense Department kaugnay ng pagpapasok ng militar sa mga kampo.
Hindi aniya kasi malinaw ang mga guidelines na nakapaloob sa kasunduan.
Inihalimbawa ni De Vera ang kawalan ng regular na pagpaplano ng Joint Monitoring Group na binubuo ng mga UP regent administrators, military at police officials upang madetermina ang kahinaan ng naturang patakaran.
Nakahanda si De Vera na mamagitan upang makapag-usap ang magkabilang panig upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan.
Bubuo rin ang CHED ng Panel of Education Experts para linawin kung ano ang academic freedom at ang papel ng mga security forces sa pagprotekta sa karapatang ito.