Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga Local Government Unit (LGU) para sa posibleng pagre-require ng antigen COVID-19 testing sa mga estudyanteng kasali sa sa limited in-person classes.
Ito ay kasunod ng panawagan ng ilang grupo na magsagawa ng weekly COVID-19 testing sa mga estudyante at mga dadalo ng in-person classes.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, karamihan sa concern na hinihiling ng ilang grupo ay bahagi na ng kanilang polisiya sa pagsasagawa ng face-to-face classes.
Aniya, tanging mga bakunadong estudyante at guro lamang din ang pinapayagang sa limited face-to-face classes.
Giit ni De Vera, puspusan na ang ginagwang school-based vaccinations ng mga higher education institution (HEI) simula pa noong Oktubre.
Sa katunayan, mayroon ng 3 percent o mahigit isang milyong higher education student ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.