CHED, nakiusap sa mga kritiko na huwag sulsulan ang mga estudyante kaugnay sa flexible learning

Hindi nakakatulong sa mga mag-aaral na nahihirapan ngayong pandemya ang panunulsol ng mga kritiko.

Ito ang sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) kasunod ng nauna nitong pahayag na patuloy na ipapatupad ang flexible learning pagkatapos ng pandemya na inulan ng batikos.

Panawagan ni CHED Chairperson J. Prospero De Vera III sa mga nagpapakalat ng fake news at maling impormasyon na itigil na ang kanilang ginagawa dahil pinapapababa lamang nila ang kumpiyansa ng mga estudyante sa flexible learning.


Iginiit ni De Vera na masyado nang naghihirap ang mga estudyante mula sa mga bagay na hindi makontrol.

May mga tao aniya na gustong sumikat sa pamamagitan ng pag-aakusa sa kanya ng kapabayaan o negligence.

Aniya, pagbabato ng kritisismo ay madali pero walang alternatibong opsyon na ibinibigay.

Sa halip na bumatikos, binigyang diin ni De Vera na pagsilip sa mga opsyon ay makakatulong sa mga estudyante na malampasan ang mga hamon sa ilalim ng alternative delivery systems.

Facebook Comments