CHED, nilinaw na hindi ito kontra sa online learning

Itinanggi ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera ang inilabas na report ng Philippine Daily Inquirer na nagsasabi na hindi siya pabor sa online learning dahil sa mabagal na internet.

Nilinaw ni De Vera na wala siyang binitawang ganitong posisyon sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education.

Sa katunayan aniya, sa lahat ng inilabas na CHED Advisories niya mula noong buwan ng Marso ay humihikayat sa lahat ng Higher Education Institutions na gumamit ng alternative learning or flexible learning systems, kabilang na dito ang online learning.


Layon nito na maituloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa panahon ng Enhanced Community Quarantine hanggang sa makumpleto ng mga ito ang semestre.

Aniya, paborable nga ang online learning dahil hindi nito malalabag ang social distancing at pagtitipon-tipon.

Sinabi ni De Vera, nasa pagpapasiya na ng HEIs na ikunsidera ang akmang alternative o flexible learning systems sa kanila alinsunod sa kanilang kapabilidad at connectivity sa internet.

Facebook Comments