CHED, nilinaw na walang face-to-face classes sa Hulyo

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na ang binubuo nitong guidelines ay para sa posibleng face-to-face classes sa low-risk areas.

Bahagi ito ng blended learning mode sa ilalim ng “new normal.”

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, hindi totoong magsasagawa ang komisyon ng “pilot testing” ng face-to-face classes sa susunod na buwan sa gitna ng health crisis sa bansa.


Nagsasagawa sila ng konsultasyon sa Department of Health (DOH) sa pagbuo ng guidelines para sa posibleng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Punto ni De Vera, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng klase para sa Higher Education Institutions (HEIs) na gumamit ng flexible learning sa Agosto.

Bukod dito, pinayagan ng IATF ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkaroon ng limited face-to-face sa Technical at Vocational Education and Training Programs simula sa susunod na buwan.

Facebook Comments