Plano ng Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang mas maraming kolehiyo na magsagawa ng face-to-face class partikular ang may kursong medical at allied health sciences.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, sa kasalukuyan ay nasa lima pang Higher Education Institution (HEI) ang “under evaluation” bago payagan sa limitadong face-to-face class.
Kabilang dito ang Far Eastern University (FEU), Perpetual Help, St. Luke’s Medical Center College of Medicine at dalawa pa.
Maliban dito, sinabi ni De Vera na plano niyang kausapin si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan din ang limitadong face-to-face class sa mga estudyanteng nag-aaral ng Engineering, Industrial Technology at Maritime.
Sa ngayon, anim na college school na may medical program na ang pinahintulutang magsagawa ng limitadong face-to-face class kabilang ang University of the Philippines; University of Santo Tomas sa Maynila; Our Lady of Fatima University sa Valenzuela; University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center sa Quezon City; Ateneo School of Medicine and Public Health sa Pasig; at St. Louis University sa Baguio.