CHED Regional Director Nasawi, Dahil sa Atake sa Puso!

159

Cauayan City, Isabela – Inatake sa puso kagabi si Regional Director Honorato Alzate ng CHED Region 2 habang abala sa preparasyon ng nakatakdang pagbibigay ng pangrehiyong parangal sa mga 4P’s ngayong araw sa Nueva Vizcaya State University.

Idineklarang pumanaw na si CHED Regional Director Alzate sa oras na alas nuebe y medya kagabi matapos na itinakbo pa ito sa isang ospital sa Solano Nueva Vizcaya.

Bago naganap ang pangyayari ay naging abala umano ang opisyal sa paghahanda dahil inaasahan ang pagdating ni CHED Secretary Prospero De Vera upang bigyan ng pangrehiyon na parangal ang maraming cum laude na 4P’s na nagtapos kamakailan.

Naging masaya pa umano ang opisyal sa buong araw kahapon kasama ang ilang tauhan ng CHED at DSWD sa rehiyon dos para sa nasabing aktibidad ngunit napalitan naman ito ng kalungkutan ngayong araw.

Samantala iniuwi na kaninang umaga ang labi ng nasawing director sa mismong bahay nito sa City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments