CHED sa pagtanggal ng Filipino, Panitikan sa college curriculum: ‘Hindi kami anti-Filipino’

Iginiit ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi kontra ang ahensya sa pagpalilinang ng wikang Filipino kahit na sinuportahan nito ang pagiging non-mandatory ng subjects na Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na hindi lang pagtuturo sa paaralan ang paraan ng pagpapaunlad ng wikang Filipino.

“The Commission believes in the fundamental role played by language in education. To be properly cultivated, Filipino cannot merely be taught as a subject, but must be used in oral and written forms, across academic domains,” ani De Vera.


Paliwanag pa ni De Vera, hindi tuluyang inabolish ang dalawang subject, bagkus ay inilipat lang ito sa Senior High School.

“…since these are important building blocks in the preparation of senior high students to be university-ready when they graduate.”

Naglabas ng pahayag ang ahensya ilang araw matapos paboran ng Supreme Court ang Memorandum Order No. 20 na nagsasaad na 36 units na lamang ang general education (GE) curriculum, at hindi na kabilang ang Filipino at Panitikan.

Facebook Comments