Suportado ng Commission on Higher Education (CHED) ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, handang magsumite ng proposal ang komisyon sa pangulo at Kongreso, hinggil sa pag-aamyenda ng ROTC at National Training Service Program (NSTP).
Aniya, sakaling maging mandatory ang ROTC sa senior high, magiging “advance ROTC program” na ang dalawang taong ROTC training sa kolehiyo.
Dagdag pa ni De Vera, ang programa ay magiging skill-based partikular sa disaster management.
Sa ilalim din ng bagong ROTC, maaaring makakuha ng mga karagdagang diploma at sertipiko ang mga estudyantye, at maaari rin silang maging mga officers Armed Forces of the Philippines (AFP) o sa Reserve Corps.